
Jowee Morel

Joy Virata
MAY bagong estilo ang mandudula sa tanghalan na si Peter Quilter, isang British.
At ito ay ang kanyang pamamaraan ng pagbibihis sa mga artista.
Aba, hindi sa backstage mismo o sa dressing room tumatakbo ang mga aktor at aktres ng dulang “Duets” ng Repertory Philippines kundi sa may gilid lang ng entablado.
Ang stage design ng Rep para sa “Duets” na nagsimulang itanghal sa maraming bansa buong mundo noong 2009 ay plastic imbes na salamin sa bubong at kisame na may bahaging nagsisilbi ring bintana samantalang ang dingding ay manipis na tela na ini-spray-an ng de kolor na abo at may maliliit na patseng matingkad na itim.
May ilaw ito na malamlam sa loob habang may patlang ang pagtatanghal at kitang-kita ang artista na nagbibihis ng kasunod niyang costume.
***
Lantad na lantad sa amin ang pagpapalit ng respetadong aktres sa tanghalan na si Joy Virata.
Bold si Joy, ang asawa ng dating Secretary of Finance na si Cesar Virata.
Nandoon din at nanonood si Mang Cesar sa audience.
May tungkod na ang dating kalihim ng diktador na si Ferdinand E. Marcos.
Nasaksihan din ni Mang Cesar ang pagbibihis ng kanyang asawang aktres sa harap ng madlang pipol.
Minsan ay naka-bra lang si Ms. Virata pero may palda naman at pagkatapos ay magsusuot siya ng kanyang blusa.
Bahagi ito ang estilo ng manunulat sa kanyang orihinal na iskrip na bagamat ginagawa na sa ibang dula ay may bagong dagdag na dimensyon sa pisikal na kaayusan.
***
Kahit ang katambal ni Joy na si Miguel Faustmann ay sa inilawan ding parte ng entablado nagbibihis habang madilim sa sentro ng entablado.
Makikita kung paano magkabit ng peluka si Miguel pag ang papel niyang gagampanan ay bakla o kaya ay matandang kapatid ng babaing ikakasal.
Walang pakialam si Faustmann kung siya ay man ay nakahubad at makita ang kapirot na bahagi ng kanyang briefs.
Katatawan ang pelikula at apat na bahagi ito ng iba’t ibang kuwento ng dalawang tao sa kanilang relasyon.
Dalawa lang ang artista, sina Virata at Faustmann.
Ang unang istorya ay tungkol sa blind date nina Jonathan at Wendy. Ang ikalawa ay ang pagsasama sa bahay ng isang bading, Barrie Medina at Janet, ang babaing gusting magpakalalaki ang bakla. Ang ikatlo ay tungkol sa pagdi-divorce nina Shelley t Bobby samantalang ang ikaapat ay ang pagpapakasal ni Angela samantalang tinutulungan siyang makalutas ng problema ng kanyang kapatid na panganay na lalaki.
***
Sa Onstage ginaganap ang pagtatanghal ng dulang komedi at mamamatay kayo sa katatawa.
No, hindi naman literal na mamamatay kundi gugulong kayo sa katatawa.
Nang mainterbyu namin si Miguel, sinabi niyang natutuwa siya at nakabalik na sa Pilipinas ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel na kanyang direktor sa “Mona, Singapore Escort” ni Iza Calzado.
“It was just a minor but I enjoyed so much,” pahayag ni Faustmann sa ipinagawa sa kanya ni Jowee.
Samantala, minamani-mani lang ni Joy ang pagganap sa stage.
“Baryo” ang kasunod na pelikula ni Miguel sa direksyon ng premyadong American independent o indie filmmaker na si John Sayles kasama sina Joel Torre at Ronnie Lazaro.
Papel ng isang Spanish soldier ang gagampanan ni Faustmann sa obra.